Ilalaban daw ni Andrew E. sa pustahan ang kanyang claim bilang kauna-unahang Filipino shareholder ng social networking site na Facebook. Aniya, “Itong claim ko, humbly speaking, ilalagay ko sa pustahan. Pag may nag-claim na siya mas una sa March 10, bow ako! Ire-recant ko sinabi ko, and publicly, maybe I will apologize.”

Photo: Noel Orsal

Na-reveal ang isang accomplishment ng rapper na si Andrew E. nang banggitin niya sa presscon ng pelikulang Raketeros kahapon, August 6, na sa unang pagkakataon ay nag-trending siya sa Twitter.

Ito ay dahil siya raw ang unang Filipino shareholder ng Facebook, ang social networking service na na-develop ni Mark Zuckerberg kasama ng kanyang Harvard University friends na sina Eduardo Saverin, Andrew McCollum, Dustin Moskovitz, at Chris Hughes noong 2004.

“Oo, oo, number one!” bulalas ni Andrew.

“Nagulat nga ako. Kasi naging controversial at saka halos ang buong Pilipinas, biglang nagtanong, e. Na-shock, e, na-shock talaga sila.

“Yung mga kababayan natin ba nasa upper echelon, na-shock talaga sila dahil umugong yung balita na…

“Well, itinatago ko, in the sense na… but hindi ko naman sinabing itinatago, hindi pinagyayabang.

“The point is kasi, sa totooo lang, pag ganito yung meron ka, dapat kasi ipapa-presscon mo ito, e.

“E, nag-iisip ako dati, when this thing happened, kung, ‘Ano kaya kung pa-presscon ako para malaman ng tao?’

“Hindi dahil sa malaman ng tao whatever kundi yung abilidad ko, kundi ma-upgrade yung tingin ng tao dun sa ability, na hindi ka lang rapper, hindi ka lang artista, or kung anuman, or producer, di ba?

“Kundi parang makakatulong ka pa na ma-educate yung tao na, ‘Paano mo nagawa yun?’

“Di ba, kasi lumalabas at lumilitaw nung nangyari ito, gusto kong i-contest ako ng tao, e.

“Na parang, ‘Nabalita si Andrew na Facebook shareholder.’

“So, kinlaim ko na talaga na ako ang first Filipino [shareholder ng Facebook].

“Hindi ko sinasabing… kasi manipis yung gitna nun, e, para bang yung pinaka-borderline.

“Na manipis masyado na, ’Ano ba ang tinutukoy mo, Andrew? Ikaw ba yung first Filipino na Pinoy o first Pinoy na nasa Pilipinas?’