Aljur Abrenica explains his "leadership style" for his team in Sunday All Stars: “As a leader, hindi ko talaga hinahabol na manalo, e. Gusto ko lang talaga is… mag-enjoy lang kami at saka yung mga manonood natin. And bilang isang leader, gusto kong maalala nila ako na… 'si Aljur pinu-push kami to the limits na nailalabas yung hidden talents namin.' Na masabi nilang… 'si Aljur ang naging way para maipakita naming sa mga tao kung ano pa ang kaya naming gawin.' Gusto ko gano'n, e.”

Photo: Melo Balingit

Si Aljur Abrenica ang team leader for this month ng grupong "Ligang I Like" na siyang nanalo sa labanan ng mga production numbers sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, August 11.

Siya rin at si Sef Cagayona naman ang nanalong Best Performer kaya sobra ang saya ng Kapuso hunk.

First time na mapanood si Aljur na rakista talaga ang dating. Napabilib niya ang mga judges particularly si Regine Velasquez.

“Siyempre first week po natin bilang team leader, e,” panimulang bungad ni Aljur nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng SAS.

“Sobrang overwhelming ng mga reactions ng mga judges. Kaya nakakatuwa talaga.

“Ahh… hindi madali ang pagiging team leader. Pero sobrang nai-enjoy ako.

“Sobrang minamahal ko na yung pagiging team leader dahil sa cooperation ng mga members ng Ligang I Like.”

ALJUR AS TEAM LEADER. Ang ka-loveteam niyang si Kris Bernal na siyang naging team leader naman nila last month, sinabing nakikita raw nito ang sobrang passion niya bilang leader nga raw ng grupo; na talagang kina-career niya raw.

“Well… hindi lang naman ako ang nag-iisip ng tema o concept ng production number namin. Marami pong kabuuan ‘yan.

“Nandiyan yung family ng Sunday All Stars. At saka yung mga members ng Ligang I Like.

“Pero bilang isang leader, ako kasi, ang gusto ko lang talaga is mailabas kung ano talaga yung talent ng isang tao, e. Na mas mai-push ko pa sa limit at saka mailabas din yung iba pa nilang hidden talents.

“Gusto kong mailabas lahat... na maipakita sa judges at sa mga manonood na hindi lang ganito o ganyan ang kaya nilang gawin kundi may iba pa.

“Like si Enzo [Pineda]. Sobrang proud ako kay Enzo.

“Alam natin na magaling siyang sumayaw. Hindi natin siya napapakanta. Napapa-rap.