Tila may pinatatamaan ang actress-politician na si Lani Mercado nang mausisa tungkol sa proposal na tanggalin na ang prok barrel ng mga senador at kongresista. Sabi niya, "Kung merong kailangang imbestigahan, imbestigahan nilang lahat. Huwag silang mamili dahil kasama sa partido at hindi yung merong tina-target dahil may inaabangan sa 2016.”

Photo: Allan Sancon

“Time management” daw ang sikreto ng actress-politician na si Lani Mercado kung paano niya nagagawa ang kanyang iba’t ibang roles sa buhay—ina, asawa, lola, aktres, at pulitiko.

“Maayos naman po, napaka-busy ng schedule. Pero basta isisingit mo ang pahinga talaga. Isisingit mo nang isisingit,” sabi ni Lani nang kumustahin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Mga Basang Sisiw last week.

Nakapagbakasyon din daw sila ng asawang si Senator Bong Revilla pagkatapos ng eleksyon, kung saan muling nahalal si Lani bilang kongresista ng Bacoor, Cavite.

Pero ayon kay Lani, hindi pa rin sapat ang naging bakasyon na iyon para makapahinga nang husto.

Kuwento niya, “Noong umalis kami, July 1, parang official function pa yun kasi nag-promote si Bong ng GMA Pinoy TV.

“Tapos, nag-attend ako ng Independence Day celebration sa New York. Tapos, pumunta kami ng L.A. at saka Las Vegas.

“Actually, I came in earlier pa, nagtagal pa si Bong. Kasi, kailangan kong mag-tape ng Mga Basang Sisiw.

“Tapos, may mga activities pa ang mga bata, magbubukas pa ang klase nila.”



SONA ISSUE. Naitanong din ng PEP kay Lani ang tungkol sa pagbatikos ng ilan na tila nagiging pabonggahan na ng damit ang taunang State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sabi naman ni Lani tungkol dito, “Actually, hindi ako nag-attend noong hapon. Yung morning lang, yung importante, which is yung botohan.

“Kasi, tatlong taon na akong kongresista. Every time na magso-SONA, e, sabi ko, hindi naman yun ang importante.

“So, nag-decide na lang kami ni Bong na huwag na. Parang nagiging Oscars na siya. E, hindi naman yun ang essence ng SONA.”

Ibig sabihin, papayag siya na magkaroon ng uniporme ang mga pulitiko na dadalo ng SONA?

Sagot ni Lani, “Siguro, mag-tone down.

“Kasi, hindi mo naman maaano, talagang pinaghahandaan ng iba ito.

“Ang sa akin lang, i-tone down.