Inaasahan na raw ni Lauren Young at ng kanilang pamilya na may mga mambabatikos pa rin sa pagkapanalo ng kanyang kapatid na si Megan Young bilang Miss World Philippines. Pero ayon kay Lauren, "It's a fair game naman, she doesn't have to worry. At saka, even artista, it didn't give her an edge over the other girls. Ginawa lang talaga ng ate ko ang best and ang lahat-lahat."

Photo: Noel Orsal

Labis-labis ang kasiyahan ni Lauren Young nang manalo ang nakatatanda niyang kapatid na si Megan Young sa coronation night ng Miss World Philippines 2013 noong Linggo, August 18.

"Masaya. Super-masaya kasi nanalo siya," nakangiting sabi ni Lauren nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng coronation night.

Patuloy niya, "I wasn't expecting kasi baka sabihin ng tao ay mayabang ako.

"Siguro it's more of... I know that my sister deserves to win kasi nakita ko kung paano na nag-work hard and trained well.

"Nakita n'yo naman, di ba? Ang galing niyang mag-walk, ang gaganda ng mga sagot niya, and she really exuded confidence."

Pero aminado si Lauren na kinabahan din siya lalo na't marami ring magaganda at matatalinong mga kandidata.

"Yeah, kinabahan ako. I was with my friends tapos nakaganyan talaga ako sa kanila," sabay pagmuwestra sa dalawang kamay insinuating na nakahawak siya sa mga kamay ng mga katabi niyang kaibigan.

"Every time na lumalabas siya, cheer kami nang cheer. 'Ang ganda-ganda ng ate ko!' sabi ko sa mga katabi ko.

"I am really very happy for her 'coz this is one of her dreams.

"Nakikita na unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niya and I wish her luck."

SUPPORT FOR MEGAN. Bilang kapatid, paano niya sinuportahan si Megan bago pa ang pagkapanalo nito? Paano niya ito susuportahan ngayong beauty queen na ito?

Sabi ni Lauren, "The whole family is very supportive of her.

"I would always, always tell her na kaya niya 'yan. Na wala namang easy sa buhay na ito.

"Kaya yung pagod and puyat niya, I know it will pay off and it did now.