"Nung pumayag ako na gawin yung role, nakipag-break nga po siya sa akin—dahil pumayag akong gawin yung love scene. Actually, inaway niya ako. Pinapili niya ako kung… actually, sabi niya, kung gagawin ko raw yung scene, it’s over na raw talaga.  A, okay. E, ako naman, career muna bago boyfriend, di ba? Ayun, pinili ko yung career at naghiwalay po kami," lahad ni Dawn Jimenez tungkol sa naging breakup nila ni Albie Casiño.

Photo: Noel Orsal

Itinuturing na "biggest break" ng baguhang aktres na si Dawn Jimenez ang pagkakasama niya sa action-drama-suspense movie na OTJ (On The Job), na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, at Joel Torre mula sa direksiyon ni Erik Matti.

Hindi nga raw alam ni Dawn na magkakaroon siya ng matinding love scene kay Gerald sa pelikula.

Kuwento niya, “Actually, nung nag-audition ako, sinabi lang sa akin na it’s a sexy role. Pero hindi ko inisip na may love scene na gano’n. 

“So, pagdating ko sa audition, kinausap ako ni Direk Matti. Tinanong niya ako, ‘Alam mo ba yung role mo?’

“Oo, medyo daring daw. Akala ko naman makeout-makeout lang.

“Sabi niya sa akin, love scene daw at magpapakita ng ganyan-ganyan. 

“Sabi ko, ‘Ganun ba?’ 

“Siyempre, pinag-isipan talaga namin ng mommy ko at ni Tita Becky [Aguila, her manager] at ng Star Magic.

“Naisip namin na worth it naman.

"Nakapasok nga ng Cannes [International Film Festival] at saka si Gerald din naman po ang kasama. At si Direk Erik naman, magaling.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dawn sa mini-presscon ng OTJ sa conference room ng Star Cinema office ng ELJ Building, ABS-CBN compound, noong Sabado, August 24.



ALBIE CASIÑO. Nang matanong naman si Dawn tungkol sa ex-boyfriend niyang si Albie Casiño, inamin ng aktres na kinalasan siya ng young actor dahil sa daring love scene nila ni Gerald.

Lahad ng young actress, “Opo, nung pumayag ako na gawin yung role, nakipag-break nga po siya sa akin—dahil pumayag akong gawin yung love scene.

“Actually, inaway niya ako. Pinapili niya ako kung… actually, sabi niya, kung gagawin ko raw yung scene, it’s over na raw talaga. 

“A, okay. E, ako naman, career muna bago boyfriend, di ba?

"Ayun, pinili ko yung career at naghiwalay po kami.