"I believe that my presence in this investigation may be conceived as deterring the resource persons from providing relevant information or may be perceived as impeding the free-flowing discussion among the participants here," says Senator Jinggoy Estrada about the pork barrel investigation at the Senate.

Photo: Sany Chua

Nagpakita ngayong umaga, August 29, si Senator Jinggoy Estrada sa inquiry ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa pork barrel scam na ibinibintang sa businesswoman na si Janet Lim-Napoles at nagsasangkot sa pangalan ng actor-politician.

Hindi nagtagal si Senator Jinggoy sa hearing dahil umalis agad ito pagkatapos basahin ang kanyang statement.

Binanggit ng actor-politician kung gaano siya kasigasig sa mga ganitong klase ng pagdinig sa Senado.

Sabi niya, "Yung usapin patungkol tungkol sa anomalya sa militar, yung impeachment trial kay Chief Justice Corona, usapin tungkol sa jueteng, sex-for-flight issue, kung ano pa ang mainit na isyu na dinidinig ng komiteng ito.

“Name it and I am among those at the forefront because, like the chairman and the members of this committee, I recognize the importance of the legislative investigation, in drafting laws to address the issues of national importance."

Pero dahil sangkot daw ang pangalan niya sa iimbestigahang pork barrel issue ay minabuti niyang huwag na munang mag-participate.

Saad niya, "I believe that my presence in this investigation may be conceived as deterring the resource persons from providing relevant information or may be perceived as impeding the free- flowing discussion among the participants here.

"To avoid such eventualities, Mr. Chair, I am requesting therefore that I may be excused from attending these proceedings."

Dagdag din niya, “At sa ating mga kababayan, pinalaki po ako ng aking mga magulang na may takot sa Diyos kaya alam ko kung ano ang tama at mali, kung ano ang makatao at tiwali kaya makakaasa kayo na katuwang pa rin n’yo ako rito sa pagsasatama ng mali at sa pagsasaayos ng tiwali.

"Maraming salamat po.”