A video clip allegedly involving Eat Bulaga! host Wally Bayola and EB Babe dancer Yosh Rivera goes viral on the Internet today, September 2.

Photo: Noel Orsal

Isang sex video ang kumakalat ngayon sa Internet, at dito'y sangkot diumano ang komedyanteng si Wally Bayola at isang miyembro ng EB Babes Dancers na nagngangalang Yosh Rivera.

Ang naturang video ay nai-upload sa YouTube noong Lunes, September 2.

Nai-upload na rin ito sa social media site na Facebook at isang fan page pa ang ginawa para rito kaninang umaga, September 3.

Sa video, makikita habang nagtatalik ang isang kalbong lalaki at isang babae, na ayon sa mga comment sa FB fan page ay kahawig nina "Wally" at "EB Babe Yosh."

Hindi pa matukoy sa ngayon kung sino ang pasimuno sa pagpapakalat sa social networking sites ng video na ito.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang Eat Bulaga! host at ang miyembro ng all-female dance group.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na si Wally ay may asawa at may limang anak. Naisadula pa nga kamakailan ang kanyang buhay sa isang episode ng drama anthology na Magpakailanman.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng statement si Wally sa pamamagitan ng isang text message kay TAPE Inc. Senior Vice President and COO Malou Choa-Fagar kaninang umaga.

"None" lamang ang naging sagot ng TV executive sa aming text message.

Ang TAPE ang producer ng Eat Bulaga!, kung saan bahagi sina Wally at Yosh.

Wala sa programa si Wally kahapon at ngayong araw.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating nina Wally at Yosh tungkol sa isyung ito.