Nagsimula lang sa biro ang nabuong "loveteam" nina Jose Manalo at Eugene Domingo sa kanilang weekly game show na Celebrity Bluff, ngunit ngayon ay may sarili na silang hukbo ng tagahanga.

Photo: Noel Orsal

Hindi nag-taping si Wally Bayola para sa weekly game show ng GMA-7 na Celebrity Bluff kagabi, Miyerkules, September 4.   

Sabi ng mga natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na production staff ng show, hindi totoo ang kumakalat na balitang indefinitely ay pinagbabakasyon daw muna ang komedyante sa mga regular shows nito, kabilang na ang Celebrity Bluff at Eat Bulaga!.

Matindi kasi ang kontrobersiyang nilikha ng sex video ni Wally at ng isang miyembro ng EB Babes. Mula nang pumutok ang isyung ito, hindi na mahagilap ang komedyante. 

(Read: Wally Bayola's alleged sex video with EB Babes dancer goes viral)

Walang anumang pahayag o paglilinaw mula sa kanyang kampo. Kahit ang TAPE office o ang Eat Bulaga!, wala pang anumang reaksiyon o statement hinggil dito.

Si Allan K ang pansamantalang humalili kay Wally sa Celebrity Bluff kagabi bilang miyembro ng “Gangnam,” kasama nina Jose Manalo at Brod Pete.

Umiwas si Allan na magpa-interview o mag-comment tungkol sa sex video scandal ni Wally. 

Ang manager naman ng main host na si Eugene Domingo, ayaw ring pumayag na matanong ang komedyana tungkol sa usapin.



JOSE MANALO. Si Jose, na ka-tandem ni Wally, ayaw ring mag-entertain ng tanong tungkol dito. 

Nakipagkuwentuhan lang si Jose sa PEP nang ang maging paksa ng usapan ay ang tungkol sa nabubuong "loveteam" nila ni Eugene sa Celebrity Bluff.   

“May gusto talaga sa akin ‘yon!” seryoso ang mukha ngunit pabirong sambit ni Jose nang mausia kung paano ba nagsimula ang tuksuhan at biruang ligawan nila ni Uge.

Pero bawi niya, “Hindi… kabiruan ko naman talaga ‘yong si Uge, e.

“And since naghahanap kami kung ano ang puwede naming gawin dun sa show, para mas relaxed panoorin, yung paiba-iba naman. 

"Hindi puro yung game show na ganyan na… seryosohan.

“Ito naman, iba, e. Puro biruan, kalokohan.

“So, sinubukan ko minsan. E, hindi rin naman alam ni Uge. Dyinu-joke ko lang siya.