Pagkatapos ng labindalawang taon ng pagiging magkasintahan ay nagpakasal sina Chris Tiu at Clarisse Ong sa isang simpleng seremonya sa Vancouver, Canada, noong September 8.

Photo: Noel Orsal / Instagram

Nag-taping na muli ang PBA player-TV host na si Chris Tiu ng kanyang infotainment show sa GMA, ang iBilib, noong Martes, Oktubre 8.

Sabi ni Chris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Poral), kailangan niyang isantabi muna ang honeymoon nila ng misis na si Clarisse Ong dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho.

Ikinasal si Chris sa kanyang longtime girlfriend na si Clarisse, noong September 7, sa Vancouver, Canada.

(Read: Meet the shy childhood sweetheart who became Mrs. Chris Tiu)

Sabi ng 28-year-old cager-TV host, “Right after the wedding, bumalik na kami kaagad, kasi back to work—hindi lang sa basketball, pati sa business.

“Ang dami na ring trabaho na nakatambak, saka sa show ko siyempre.”

Si Chris ay player ng koponan ng Rain Or Shine sa Philippine Basketball Association (PBA).

THE WEDDING IN CANADA. Ipinaliwanag na rin ni Chris kung bakit sa Canada sila nagpakasal ni Clarisse, at kung bakit September 7 ang pinili nilang wedding date.

Aniya, “Canada is one of our favorite countries, and [one of our favorite] cities [is] Vancouver.

“We spent sometime there before, have special memories, and it was such a beautiful city.

"We wanted a destination wedding, so we had it there.”

Pareho sila ni Clarisse na relihiyoso at aktibo sa kanilang church, kaya gusto sana nila ang petsang September 8, kaarawan ni Blessed Virgin Mary, ang maging araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Kaya lang, hindi ito nasunod, at naging September 7.

Kuwento ni Chris, “I come from a Chinese family, and siya rin. So, may basic feng shui na sinusundan.