Rumors about Angel Locsin and Phil Younghusband breaking up surfaced yesterday on the Internet. However, the camps of both parties neither confirm nor deny the report.

Photo: Grabbed from Phil Younghusband IG (@philipyounghusband)

Mainit na pinag-uusapan ngayon, sa loob at labas ng showbiz, ang diumano'y breakup nina Angel Locsin at Phil Younghusband pagkatapos ng mahigit isang taong relasyon.

Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng ilang entertainment columns sa tabloid at news websites ang sinasabing breakup ng magkasintahan.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula mismo kina Angel at Phil.

Pareho ring tikom ang bibig ng talent managers ng dalawa tungkol dito.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin ang balita sa talent manager ni Angel na si Ethel Ramos.

Ngunit ayon sa beteranang kolumnista, wala siyang alam tungkol sa napapabalitang breakup ng kanyang alaga sa kasintahan nitong atleta.

Halos ganito rin ang naging sagot ng manager ni Phil, na si Cathy Nazareno, sa aming text message kahapon, October 21, para alamin ang estado ng relasyon ngayon ng football player at ng aktres.

Sa kanyang reply sa writer na ito kaninang umaga, October 22, sinabi ni Cathy: “I actually don’t know about the situation as I got back from a trip. I don’t meddle with Phil’s personal life.”

Wala ring anumang update pareho sina Angel at Phil tungkol sa relasyon nila sa kani-kanilang social media accounts.

Ayon sa ulat ni Allan Diones, sa kanyang column sa Abante Tonite kahapon, ang huling tweet ni Phil tungkol kay Angel ay noon pang September 7.

Sabi ni Phil, “Watching Showtime, enjoying @VhongX44 intro. Hahaha! Go, my love, @143redangel!”

Ang huli namang post ni Angel kay Phil, sa Instagram, ay noon pang August.

Binigyan ng Kapamilya actress ng surprise cake ang Azkals player, para sa 26th birthday nito, habang nasa ice skating rink sila.

Noong August din ang huling Instagram post ni Phil tungkol kay Angel.

Kung totoo ngang break na sina Angel at Phil, sila ang ikatlong high-profile celebrity couple na naghiwalay sa loob lamang nitong nakalipas na buwan.