Iniaalay raw ni Bea Rose Santiago ang kanyang paglahok sa Miss International sa mga Pilipinong biktima ng bagyong Yolanda. Sabi niya, “I’m not going there as Bea Santiago, I’m going there as Miss Philippines. And if I win or make it, that would bring happiness this Christmas.”

Photo: Noel Orsal

Ngayong araw, December 6, ang alis ni Bb. Pilipinas-International Bea Rose Santiago papuntang Tokyo, Japan.

Sa Japan gaganapin ang 53rd Miss International pageant, kung saan kinatawan ng Pilipinas ang 22-year-old beauty queen mula  Masbate.

Noong Miyerkules, December 4, ay nagkaroon ng send-off presscon para kay Bea sa Sachi restaurant, sa Araneta Complex, Cubao, Quezon City.

Pahayag ni Bea sa kanyang speech, “It’s been an overwhelming year for me, coming from a different country…

“I spent half of my life before coming here.

“I found my country, my family, my friends here.

“I will never leave the Philippines again.

“This is my new world and, again, thank you for everything.”

BOTH PROVINCIAL AND CITIFIED. Tubong-Masbate si Bea, pero noong 15 years old siya ay dinala siya ng kanyang mga magulang sa Canada.

Naging modelo siya doon ng Elite Model Management, at naging representative ng Filipino community ng Canada sa Mutya ng Pilipinas 2011.

Para naman daw sa mga gusto pang makakilala sa kanya, sinabi ng beauty queen:

“Bea is someone who half-spent her life in the province and in Canada.

“So I spent both worlds, so I have the probinsiyana and the city girl. And it’s my first year here in Manila.

“And maybe not a lot of people know na I can speak a lot of languages—like I can speak Bisaya, Tagalog, and English.