Heart Evangelista on boyfriend Senator Chiz Escudero: “I appreciate him kasi when it comes to my dressing up, when it comes to my past relationship, the stupid things that I’ve done in my past… I was very open to him about my mga escapades or whatever—he’s very open-minded. You know, it made me who I am, so okay siya dun.”

Photo: Noel Orsal

Sa unang pagkakaton ay pumayag si Heart Evangelista na maging calendar girl ng isang liquor brand.

Paano napapayag si Heart upang maging calendar girl for 2014 ng Tanduay?

Sagot ng 28-year-old actress, “First, I think it’s very timely na nagkaroon ako ng something na coming-out endorsement.

“And then, Tanduay came in. Actually, it was a really nice day.

"Kasi, that day, ang daming nagsabay-sabay na pumasok noong day na yun—and Tanduay is really one of them.

“And, at first, I was really hesitant because I’ve never been na parang, yun nga, nagpo-pose nang ganyan.

“But then, they were very open to what I was comfortable doing.

“And then, they are very open din for me to bring yung mga kaibigan ko, na yung team ko, para kumportable ako.

“Noong ginawa namin yung shoot, noong una, kinakabahan ako, nanginginig ako.

“But then, they are also nice. Okay naman, naitawid namin ang pictorial.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Heart sa launching ng calendar niya kagabi, December 5, sa Sequoia Hotel, Mother Ignacia, Quezon City.



LIBERATING EXPERIENCE. Ayon pa sa Kapuso actress, “liberating” ang ginawa niyang sexy pictorial.

“It is liberating because you step out of your comfort zone.

“It’s liberating to decide on your own, and panindigan mo yun, and actually be happy with what you decide...

“There are a lot of praises and good words in Instagram, so nakakatuwa.

“Nakakataba ng puso, and worth it siya.”