Sinasabi man ng marami na isa si Bea Alonzo sa pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon, hindi naman kalmado ang Kapamilya star sa nalalapit na pagsisimula ng taping ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Mga bigating artista kasi ang makakasama niya dito, kabilang na ang Movie Queen na si Susan Roces.

Photo: Noel Orsal

"So, as much as pressured ako, mas nangingibabaw yung excitement."

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Bea sa presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon kanina, January 9, sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN.



LONG OVERDUE. Sa question-and-answer portion, nabanggit ng moderator na matagal niligawan ng Dreamscape si Bea para mapapayag na gawin ang proyekto.

Ang Dreamscape ang drama arm ng ABS-CBN.

Paliwanag ni Bea, “Hindi naman, ngayon lang… nagkataon, ngayon lang naging maluwag yung schedule ko.

“Maluwag din sa kanila ang schedule nila.

"Siguro ito yung right timing.

"Tinatawag ko na right timing, na para bang nandun kami sa posisyon na masayang-masaya kaming lahat.

"So, good energy itong project na to.”

Nabanggit din ni Bea na tatlong karakter ang gagampanan niya sa show, kaya nahirapan siya kung paano ipaliwanag sa media ang bawat isa.

Natatawa niyang sabi, “Alam niyo, hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag, e.

"Kasi pag ipinaliwanag ko, sasabihin ko na sa inyo ang plot.

“But siguro, mag-stick na lang tayo dun.

"Isa siyang istorya ng dalawang babae na meron pang susulpot na pangatlo na… which is going to be played by me.

“Hindi sila magkakapatid, para ‘tong ano... riddle.

"Hulaan niyo, hindi sila magkakapatid, hindi sila magkakakilala, but somehow intertwined yung destiny nila."