"To set the record straight, my comments on rape are my personal opinion, please do not speculate or take my tweets out of context," says Kat Alano clarifying her previous Facebook and Twitter posts about rape.

Photo: Noel Orsal

Nilinaw ni DJ Kat Alano ang kanyang Facebook at Twitter posts tungkol sa rape.

Sa kanyang Twitter account (@katalano), sinabi ni Kat na personal niyang opinyon ang mga na-post niya sa social media nitong mga nakalipas na araw.

Hindi naiwasang maiugnay ng ilang Netizens ang Twitter posts ni Kat sa kasalukuyang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Vhong Navarro, sa akusasyon noon ni Deniece Cornejo na "attempted rape" laban sa aktor.

Sa isang Twitter post ni Kat, inakala ng Netizens na suporta niya ito para kay Deniece:

Nai-post ito ni Kat noong Lunes, January 27, kung kailan unang nagbigay ng pahayag ni Deniece sa isyu ng pambubugbog kay Vhong Navarro.

Read: DJ Kat Alano's Facebook and Twitter posts about rape create buzz

Si Deniece ang isa sa mga isinangkot ni Vhong sa pambubugbog sa kanya noong gabi ng January 22, sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kabilang pa sa pinangalanan ni Vhong ay ang businessman na si Cedric Lee at isang nagngangalang “Mike.”

Kahapon, January 29, pormal na nagsampa ng kasong rape si Deniece laban kay Vhong.

Read: Deniece Cornejo's camp changes charges against Vhong Navarro from attempted rape to rape

Ngunit noong Martes, June 28, patung-patong na kaso ang isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

Kabilang sa mga kasong isasampa ni Vhong ay "serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at unlawful arrest."