May mga pahiwatig na nga ba ang komedyanteng si Tado Jimenez bago ito nasangkot sa malagim na trahedya ng pagkahulog ng bus na sinakyan nito sa Bontoc, Mountain Province? May post kasi ito sa Instagram kung saan sinabi niya ang mga salitang “north o south…. cemetery.”

Photo: File

Isa ang komedyanteng si Tado—Arvin Jimenez sa tunay na buhay—sa labing-apat na kataong nasawi sa nahulog na bus ng Florida Transit kaninang umaga, February 7, sa Sitio Paggang, Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province.

Si Tado ay 39 years old.

Ayon sa ulat ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, nasa 120 metro ang lalim ng binagsakan ng nahulog na bus. 

Sa panayam kay Chief Inspector Benjamin Challoy, ang chief of police ng Bontoc, Mountain Province, sinabi nitong base sa mga testimonya ng mga nakaligtas, nagkaroon daw ng pagpalya sa preno ng bus.

Patuloy pa rin daw nilang iniimbestigahan ang iba pang dahilan ng sakuna.

Kabilang sa nakaligtas sa disgrasya ang dalawang driver at konduktor ng naturang pampasaherong bus.

Handa naman daw tumulong ang pamunuan ng bus company sa mga gastusin ng mga namatay at kasalukuyang mga ginagamot sa ospital.

Naulila ni Tado ang kanyang apat na anak na babae at asawang si Lei.



PREMONITIONS? Bumuhos naman kaagad ang pakikiramay sa mga naulila ni Tado sa social media, lalo na sa Twitter.

May iba namang nag-tweet tungkol sa pakay ng biyahe ni Tado sa Mountain Province.

Ayon sa tweet ni Eurika Rosario: "Tado was apparently going to Mountain Province for a project, ironically titled: "Life begins at the mountain." OMG :( Then he died.”

Nag-retweet din ang singer-composer na si Noel Cabangon.

Kalakip din nito ang cover na may pamagat ng libro na gagawin daw nito na Life Begins at the Mountains.



Kahapon, February 6, sa Instagram account naman ni Tado (@tadojimenez), nag-post ang komedyante ng isang larawan habang mini-makep-an siya.

May caption itong: “North o South.... cemetery?”