Dingdong Dantes is thrilled about working with Diamond Star Maricel Soriano and Lovi Poe for his next Kapuso teleserye: “Sinabi na sa amin na tuloy na siya, sinabi na sa amin kung sinu-sino kaming magkakasama. Natuwa po ako na naging totoo yung sabi-sabi na si Ms. Maricel Soriano po ang makakasama ko at makakasama kong muli si Lovi Poe.”

Photo: Rose Garcia

Kinumpirma ni Dingdong Dantes na tuloy na ang bagong primetime series na gagawin niya para sa Kapuso network, kung saan makakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Heavy drama ang tema ng primetime series na ito ni Dingdong kung saan dalawa ang magiging leading ladies niya.

Bukod kay Maricel, kinumpirma rin ng Kapuso Primetime King sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakasama niya rin dito si Lovi Poe.

Nakatambal na ni Dingdong si Lovi sa iprinodyus niyang pelikula, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ayon kay Dingdong, “Sinabi na sa amin na tuloy na siya.

"Sinabi na sa amin kung sinu-sino kaming magkakasama.

“Natuwa po ako na naging totoo yung sabi-sabi na si Ms. Maricel Soriano po ang makakasama ko, at makakasama kong muli si Lovi Poe.”

Nakausap ng PEP si Dingdong sa inauguration ng Hyundai car dealership venture niya sa Parañaque West noong Biyernes, February 6.

CANNES FESTIVAL ENTRY. May gagawin din sanang pelikula si Dingdong na intended para sa Cannes International Film Festival, ang Ponzi, pero hindi na raw sila aabot.

Ang AgostoDos film outfit ni Dingdong ang isa sa magpu-rodyus nito.

Saad niya, “Supposedly, March sana yun, pero hindi na kami aabot.

"Ayaw naman naming madaliin.

"Bubuuin pa rin naman siya, just in time kung kailan kailangan.”

Masasabing ba niyang maganda ang pelikulang pinaplano niya dahil pang-Cannes sana ito?