After almost two decades, Alwyn Uytingco is finally given his big break, through an upcoming teleserye on TV5. In the series titled Beki Boxer, Alwyn will portray the role of a closet boxer.

Photo: Bernie Franco

Halos 20 taon ang hinintay ni Alwyn Uytingco bago siya nabigyan ng title role sa isang teleserye.

Ito ay sa pamamagitan ng Beki Boxer na magsisimulang mapanood sa TV5 sa March 31.

Sa nasabing teleserye, gaganap ng kakaibang role si Alwyn, bilang isang gay na napilitan maging boksingero.

“Thankful ako kay Lord, feeling ko planado ni Lord na gawin ito para sa akin,” sabi ni Alwyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa taping ng kanyang upcoming teleserye sa Binangonan, Rizal, noong Lunes, March 17.

Aminado si Alwyn na kabado siya sa kanyang lead role.

“So, nadagdag lalo ang pressure [sa pagiging lead ko].

“I think yung pressure, I can use it para ma-push ko ang sarili ko.”



VIN ABRENICA AS LEADING MAN. Hindi ito ang unang beses na gumanap bilang isang bading si Alwyn.

Sa apat na installments ng Ang Tanging Ina ay ginampanan niya ang role ni Pip, ang binabaeng anak ni Ina Montecillo (Ai-Ai delas Alas).

Sa isang fantasy series din sa TV5 network ay gumanap si Alwyn bilang bading na kontrabida.

Sa Beki Boxer, magiging "ka-loveteam" ni Alwyn si Vin Abrenica.

Gagampanan ni Vin ang role ng isa ring boxer na magpapatibok sa puso ng karakter ni Alwyn.

“Abangan niyo yung part na kakamutin ko ang abs ni Vin!” natatawang sabi ni Alwyn.

Aniya, sa eksena ay naka-boxing gloves si Vin at mangangati ang kanyang abs at ipapakamot kay Alwyn.

Sundot ng PEP, hindi ba sila nagkakaroon ng ilangan ni Vin na kailangan nilang umarteng sweet gayong lalaki naman sila sa totoong buhay?

Sagot ni Alwyn, “Actually, yun ang winu-work out namin [ni Vin] kasi buddies kami, pero kailangan yung friendship namin mapunta into an area na maging sweet kami na malagkit ang tinginan.