James Reid on his mentor and friend, Sam Concepcion: “He’s my friend and he’s probably the most talented person I know. Singing, dancing, acting, hosting—lahat kaya niya. That is why I like him so much, he’s so young, but he’s very talented.”

Photo: Noel Orsal

Walang patumanggang nagpakita ng kanyang abs ang Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 winner na si James Reid sa press conference ng pelikulang Diary Ng Panget noong March 21.

Ikinatuwa naman ito ang karamihan sa reporters na um-attend ng presscon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James ay tinanong namin siya kung hindi ba siya nailang nang hilingin ng press na ipakita niya ang kanyang abs.

“It’s okay, okay lang,” nakangiting sagot niya.

Posible kayang magpakita rin siya ng abs kung alukin siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash?

“Sana,” mabilis niyang sagot.

Game din daw si James kung sakaling alukin siyang ng sexy roles.

Sabi ng Fil-Australian actor-singer, “Sa tingin ko, kaya ko yun. Eventually, I would like to try it at least once.”

SHY BOY. Bukod sa aminadong hindi pa talaga siya bihasa sa pagsasalita ng Tagalog, kapansin-pansin din ang mahina niyang boses.

Paliwanag ni James, kahit naging Big Winner siya sa PBB, nahihiya pa rin siya minsan.

“Siguro, yun po, yun.”

Pero malaki na raw ang in-improve ng kanyang Tagalog.

  

“Thanks to Viva, I have Tagalog lessons for about two months straight every day.

“Sa bahay kasi, it’s just me and my father, and he speaks English to me.”

May pagkamahiyain daw siyang talaga. Pero sa harap ng camera, nawawala ba ang pagkamahiyain niya?