Toni Gonzaga on PBB bashers: “Even if you bash the show, even if they say a lot of things, even if they say a lot things about the show, interested pa rin naman silang manood kahit paano.”

Photo: Noel Orsal / Sany Chua

Nagbigay ng kanyang saloobin si Toni Gonzaga sa mga intrigang lumabalas kaugnay ng pagpili ng housemates sa hinu-host niyang reality show sa ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother Al In.

 

May mga bumabatikos kasing hindi raw dumaan sa audition ang karamihan ng mga napiling housemates, sa kabila ng pagsasagawa ng audition ng ABS-CBN sa iba’t ibang lugar kung saan napakaraming pumila sa pag-asang sila ang mapili.

Ngunit sa panayam ni Toni sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 4, iginiit niyang nag-audition ang mga napiling housemates.

“Definitely, nag-audition.

“Noong sa Araneta, may nakuha sila. Sabi ni Direk Laurenti Dyogi, tatlo.

“’Tapos sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, may nakuha rin sila.

“Season 1 pa lang, wala pang social media noon, e-mails, sangkaterbang e-mails ang nakuha naming ganyan.”

Ipinagkibit-balikat lang din ni Toni ang akusasyong “scripted” daw ang PBB.

Aniya, “Scripted, haters, bashers… pero I love the environment dito sa Big Brother kasi we welcome all of it.

“We welcome all of them, lalo na ngayon, All In.

“All In niyo na ang mga haters, mga bashers, okay na okay lang sa amin  yun.

“Even if you bash the show, even if they say a lot of things, even if they say a lot things about the show, interested pa rin naman silang manood kahit paano.”

Sa kabila naman daw ng mga pang-iintriga sa PBB, nanguna pa rin sa ratings ang PBB All In sa unang linggo ng pag-ere nito.



ALEX GONZAGA. Marami rin ang nag-abang sa pagpasok sa Bahay ni Kuya ng bunsong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.

Kitang-kita sa mukha ni Toni ang pagkagulat nang i-announce noong unang gabi na si Alex ang panghuling housemate na papasok sa bahay.

Sa pagkakaalam kasi ng lahat ay isa sa mga bagong host ng programa si Alex, ngunit may iba palang plano si Kuya.

Sabi nga ni Toni, “Hindi siya nag-sink in sa akin noong opening night, kasi nga masaya pa. Gulatan pa lahat.