YES! MAGAZINE

SUBSCRIBE

It's the rage, as in galit talaga! Netizens ask: "Is this the most racist ad ever?"

Is this the most racist ad ever?

Video Credit: Benoit Florencon

All the rage, as in galit talaga ang ilang netizens sa paglabas at pagkalat ng Chinese laundry detergent ad na ito.

Lumabas this month ang TV ad na ito na nagpapakita sa isang babaeng naglagay ng isang black male sa washing machine matapos pasubuin ng tila isang tabletas. Habang umaandar ang washing machine at tila sumisigaw ang lalaki sa loob nito, nakaupo naman sa ibabaw ng machine ang babae na tila naghihintay na matapos ang paglalaba.

Nang tumigil na ang washing machine at buksan niya ito, lumitaw ang isang Chinese guy.

Heto ang ilan sa mga reaksyon ng mga na-offend na netizens:

Habang meron din namang walang nakikitang mali rito:

Meron ding mga news organizations na pumili na ng kanilang stand tungkol sa ad na ito at dineklara ngang racist ang TV commercial.

Hindi ito ang unang TV commercial o ad na binansagang racist. Ilang buwan na ang nakakaraan, lumabas din ang isang Thai whitening product commercial na nagsabi pang kailangan mong maging maputi para mag-"win."

Ayon sa international news org na CNN, kinontak na nila ang Chinese company na may kinalaman sa kontrobersyal na laundry detergent ad para sa komento, ngunit hindi raw sumagot ang mga ito.

RELATED VIDEOS


COMMENTS

Loading comments

LATEST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


SOCIAL STREAM





THIS JUST IN