Padala ng isang PEPster ang mga litratong ito nina KC Concepcion at Piolo Pascual sa concert nila sa San Francisco.
Sweet na sweet ang dalawa na may papatung-patong pa ng ulo sa shoulders pareho habang kumakanta. Pero sa kabila ng ka-sweet-an na ito, matunog pa rin ang usap-usapan na break na ang dalawa.
May mga nag-iisip tuloy kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng sagot ni Piolo kamakailan sa Star Magic ball nang tanungin tungkol sa estado kanilang relasyon ni KC. (CLICK HERE to read related story)
Ani Piolo: "We're good together..."
"Good together" as in bilang magkasintahan na talagang nagmamahalan?
O "good together" bilang isang act, o isang palabas lang para sa fans at walang tunay na pagmamahalang nagaganap liban sa relasyong propesyunal?
You be the judge with these pics.







NEXT
