Kahapon, nag-tweet si Kris Aquino na nasa Malacanan siya para sa lunch para sa dumalaw na Prime Minister ng Kingdom of Thailand na si Yingluck Shinawatra.
Sabi ni Kris sa kanyang tweet: "Came from Malacanang. Lunch for Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra. She's tall & slim & attractive! 44 years old, bagay for PNoy!"
Papel matchmaker tuloy ang Presidential Sister dahil sa tweet niyang ito.
Pero sino nga ba itong si Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra?
Heto ang ilang info na nasagap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanya.
Ipinanganak nung June 21, 1967, si Yingluck Shinawatra ay ang unang babaeng Prime Minister ng Thailand. Kapatid niya ang napatalsik na dating Thai Prime Minister na si Thaksim Shinawatra.
Pero kahit na kapatid niya ang prime minister pinatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng coup d'etat, nakakuha pa rin ng landslide na boto ang political party niya sa Thailand nung 2011 elections sa bansang iyon.
Napagbotohan sa Thai House of Representative na gawin siyang prime minister at in-appoint siya mismo ng hari ng Thailand na si King Bhumibol Adulyadej bilang pang-28th Prime Minister of Thailand.
May something in-common din naman itong si Yingluck sa ating 51-year-old bachelor president.
Pareho silang may lahing-Chinese. Ang nickname ni Yingluck ay "Pu" (talangka sa wikang Thai), habang "PNoy" naman ang palayaw ng media kay Noynoy.
Habang nangangampanya nung 2011, kabilang sa mga plataporma ni Yingluck ay ang pagbura sa kahirapan sa mga mamamayan ng Thailand at pagkakaisa o reconciliation--parehong platapormang kinakampanya noon nang mahalal nang presidente ang yumaong ina ni Noynoy na si Corazon C. Aquino.
Okey na sana silang match, kaya lang, kahit na hindi kasal, may "common-law husband" naman itong si Yingluck at may anak na silang lalaki.
(For more about Thai PM Yingluck Shinawatra, visit: president.gov.ph)







NEXT


