Star-studded ang birthday party ni Tim Yap.
Kabilang sa mga namataan sa party ay ang aktres na si Lovi Poe at ang ex-boyfriend niyang si dating Ilocos Sur representative Ronald Singson.
Nakulong ng 18 buwan si Ronald sa Hong Kong sa salang drug possession at kalalaya lamang nito.
Sa paglitaw nina Lovi at Ronald sa party, marami tuloy ang naiintriga kung sila ba uli ng dating congressman?
Kinontak na ng PEP ang kampo ni Lovi para makuhanan ng paglilinaw at pahayag tungkol dito.
Sagot naman agad ng manager ng aktres na si Leo Dominguez: "Wala namang naikukuwento si Lovi, pero ang alam ko wala na sila."







NEXT
