After being spotted at the Nicki Minaj concert, nakita na naman sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa mixed martial arts event na PXC (Pacific X-treme Combat na ginanap sa Ynares Gym, Pasig City nung nakaraang Sabado, July 14.
Wala pang inaamin sina Sarah at Richard tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila, pero marami ang nagsasabing tila nagiging extra close na sila sa isa't isa.
Magkasama sa GMA show na Makapiling Kang Muli sina Sarah at Richard. Kaya maaari ring isipin na baka gimik lang ang palagiang pagkaka-spot sa kanila na magkasama. CLICK HERE to read related story.
Kayo, ano ba sa tingin nyo? Gimik lang o meron nang "something special" sa kanilang dalawa?
Nakita rin sa nabanggit na event ang rumored couple na sina Rhian Ramos at KC Montero.
Samantala, sa concert ni David Cook, nakita rin among the audience ang magkasintahan na sina Venus Raj at Andrei Felix.






NEXT
0




