• Share it!
  • 0
  • 0
  • 0
  • 16
Look, it's Anne Hathaway... ay, si Paolo Ballesteros pala!
photo uploaded by patrickstarfish on 06/20/2013 @ 06:37PM STATS: 87387 Views | 16 Comments

Text by Rommel R. Llanes

 

Patuloy sa pag-eeksperimento si Paolo Ballesteros sa kanyang looks.

Ang latest, nag-upload siya ng photos sa kanyang Instagram account na ginaya niya ang itsura ng Hollywood actress na si Anne Hathaway at singer na si Madonna.

Matatandaang dalawang linggo na ang nakararaan, nang i-upload ni Paolo ang mga litrato niya na ginaya niya ang itsura ni Angelina Jolie. Nagkaroon pa nga ito ng appearance sa Eat Bulaga at sa Celebrity Bluff.

Nabanggit noon ni Paolo sa kanyang interview sa PEParazzi na hilig lang niya talaga ang mag-drawing at fine arts.

Since kilala naman siya sa pagsusuot-babae, na-translate niya sa pagme-makeup ang hilig niya sa drawing, sa tulong na rin ng mga kaibigan niyang makeup artists.

Fine arts nga ba ang tinapos na kurso ni Paolo?

"Gusto ko sana, fine arts. Kaya lang ayaw ni Papa that time. Artist kasi siya sa New York before. May art gallery siya do'n, e.

"Mahirap daw kasi di naman araw-araw may bumibili ng painting. Kaya kinuha ko architecture. Pero one sem lang ako nag-shift agad ako ng masscom, kasi di ko gusto yung mechanical yung drawing. Yung may mga sukat-sukat sa ruler. Mas gusto ko freehand drawing."

Bakit naman siya nahilig sa paggaya sa Hollywood people?

"Wala para maiba-iba lang character. Try lang," sagot ni Paolo.

Hindi nakatapos ng college si Paolo at hanggang 3rd year lang siya sa Saint Louis University sa Baguio City. Napadpad na kasi siya Manila at naging artista.

Pero kung mag-aaral uli siya at i-pursue ang pag-aaral ng fine arts, gagawin pa rin ba niya?

“He-he-he… Ewan ko lang,” sagot ni Paolo.

Ano naman ang reaksyon ng five-year-old daughter niyang si Keira Claire kapag nakikita siyang naka-drag?

“Natatawa. Nagpapa-makeup din. He-he-he!”

Hindi siya tinatanong nito kung bakit siya nagda-drag?

Hindi siya tinatanong na, “Papa, why do you look like a girl?”

“Sanay na. Sinasabi ko kasi, ‘That’s for work, anak.’

“Mga high heels ko, nakakalat. ‘Ayun, sinusuot din at pinaglalaruan. Cinderella daw siya. He-he-he!”

How about his parents, ano ba ang nasasabi nila pag nakikita nila ang anak nilang nakasuot-babae?

“Si Papa, nasa Langit na. Di na niya ‘ata naabutan pagdadalaga ko, he-he-he. Sila Mama, tawa nang tawa. Siguro, natutuwa at maganda din pala ang bunso niya, ha-ha-ha!”

May karelasyon ba siya ngayon?

“Nganga!” sagot na lang niya na ibig sabihin ay single siya ngayon.

Check out the pics. Keri ba niya?

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  Paris_Nailer

    07/03/2013 | 01:27 AM
    Ganda naman ni paolo, mapa boy or gurl, good looking pa din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  racyann

    06/25/2013 | 11:11 PM
    : hehhehe ..cute!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  1NETWORKWARAREFORIDIOTS1

    06/23/2013 | 02:49 PM
    Paolo is one of the most well-loved celebrities. Talented and ma-feel mo talagang likas syang mabait.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Sarich

    06/23/2013 | 03:35 AM
    Ang layo nman nimo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  myrth

    06/21/2013 | 02:08 PM
    like it !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pipay_ganda

    06/21/2013 | 09:41 AM
    danda!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  ladykristinn

    06/21/2013 | 08:54 AM
    Galing nya in fairness. Kuha nga nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mygulay

    06/21/2013 | 08:29 AM
    paolo unfair ka! pag lalaki ka sobrang gwapo mo pag babae ka sobra ganda mo! hahaha! pero i love you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Turandot

    06/21/2013 | 07:28 AM
    Sa lahat ng nagbabakla baklaan at tunay na bakla pinaka gusto ko itong si Paolo. Hindi sya balahura na gaya ng iba na pangit na ang pagmumukha pangit pa ag ugali.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Mickey_007
    06/21/2013 | 10:50 AM
    hala, sino yon? lol. sino nga pala bf niya ngayon?
  • MarianoRivero

    06/21/2013 | 01:40 AM
    Go, go, go, girl!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • spotthedifference

    06/20/2013 | 08:12 PM
    o di ba puede namang banggiting kaagad ung name ni paolo kesa ung dating article na actor host ang title eh si paolo naman un. hello give credit naman to paolo. dami rin nman yang follower.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jamegrey

    06/20/2013 | 07:52 PM
    hahhahah..galing mo talaga paolo..napatawa mo ako..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tilapyangmataba

    06/20/2013 | 07:35 PM
    winner talaga itong si Paolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    06/20/2013 | 07:34 PM
    Gogogo Paulo. Galing mo tlga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kimonol

    06/20/2013 | 06:50 PM
    hahaha nice one pao love it
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jmhabibe

    06/20/2013 | 06:50 PM
    bongga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0