• Share it!
  • 0
  • 0
  • 0
  • 2
Flashback Friday: Viral Suklay Girl is AKA Jam's Katrina Velarde
photo uploaded by tamburiki on 10/11/2013 @ 03:59PM STATS: 32475 Views | 2 Comments

"It's not the Suklay--it's the Suklayer!"

Ang tila sagot na komento ng isa sa mga tagahanga ng naging viral na video na ito ng isang babaeng kumakanta ng "Dangerously In Love" ni Beyonce gamit ang isang violet na suklay.

Ilang araw na ang nakararaan nang maging viral sa Facebook ang video na ito. Marami ang nagkomento na baka may magic ang suklay o siguro kung violet na suklay ang gagamitin nila sa pagkanta ay magiging kasing-husay nila ang babaeng tinagurian nang si "Suklay Girl."

Pero hindi nga ang suklay ang sikreto, tulad ng nauna nang nabanggit na komento. Magaling naman kasi talaga yung singer.

Nakakatawa sa umpisa ang video dahil suklay nga ang gamit ng singer habang kumakanta. Pero habang nagtatagal, hindi mo mapigilan ang mapahanga sa galing ng birit at hagod ng babae.

 

 

Ang babae ay si Katrina Velarde at ang video ay isang lumang recording niya bago pa man siya nag-audition sa X Factor Philippines.

Sumali sa nabanggit na Kapamilya talent show si Katrina. Hindi man pinalad na magwagi, nagkaroon naman siya ng grupo na kilala na sikat na ngayon.

 

 

Fast-forward sa kasalukuyang panahon—member na ng all-girl singing group ng AKA Jam si Katrina at magge-guest siya at ang kanyang grupo sa The Mega and the Songwriter ngayong Linggo, October 13.

Heto pa ang ilan sa mga lumang video ni Katrina na kumakanta gamit ang kanyang suklay.

 

 

 

Videos uploaded on YouTube by micassanovasingers

Show/Hide Comments

2 Comments

  • chikorita_pikachu

    10/14/2013 | 04:39 AM
    mas maganda ang boses nya kay Sarah G.!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeaniebenie

    10/14/2013 | 03:25 AM
    napakagaling at super duper pro na ang boses nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0