PEParazzi - Philippine Entertainment Portal

PEParazzi
Feb 12, 2012
All Access  
Username:   Password:
| Register
Tao lang din po sila...
patrickstarfish
Oct 18, 2010
viewed 3536 times

Last Saturday, habang nanonood ako ng Eat Bulaga! at nag-e-enjoy ng game nilang "Pinoy Henyo," nabigla ako--at malamang pati na rin yung iba pang mga nanonood, both on TV at sa studio--nang biglang magalit si Bossing Vic Sotto.


Tila merong kinagalitan si Bossing Vic.


Nagsimula ang lahat nang magkamali si Vic ng pagbanggit ng kategorya sa Pinoy Henyo. Binasa lang kasi rin ni Bossing kung ano ang nasa harap niya.


Halata ang pagkairita ni Bossing sa nangyari nung idiin pa niya ang correct na category.


"Tao... Alam mo yung tao? O..ta, o. O-ta. Ayusin mo yan batang yan!"


(Tila sumagot ang kinausap niya, off-screen)


"Oo, kanina, pagkain nakalagay, gano'n, o!" muwestra ni Bossing na animo may hawak na karatula.


"Ang problema kami ang nagmumukhang tanga rito, hindi ikaw! Okey..?"


Napa-"Ay, nako..." na lang si Joey de Leon na katabi lang ni Bossing.


Kung meron mang parang naibahan sa iginawi ni Bossing nang araw na iyon, hindi dahil sa may attitude siya o gusto lang niyang magalit randomly kahit kanino dahil sya nga si "Bossing."


Sa ganang akin, nag-react lang si Bossing sa hindi magandang trabahong ipinakita ng isang taong binabayaran niya para gumawa ng simpleng trabaho lang. Nagkataon na hindi nagustuhan ni Bossing Vic ang ginawa ng taong iyon.


Hindi naman porke artista sila, immune na silang magalit. Tao pa rin silang nakakaramdam ng galit paminsan-minsan, ke mababaw man o talagang makatwiran.


Katulad na lang din ng nangyari kay Gwen Zamora. Kung sa iba, nagmumukhang hindi maganda ang ginawa niya, para sa akin, makatwiran lang dahil sa hindi magandang trabaho ng personal assistant niya.


Hindi naman niya sinaktan o pinagsalitaan nang pangit.


Sabi nga ni Gwen, pinagalitan lang niya.


Ikaw na ang nasa isang malamig na lugar na walang nag-aabot sa iyo ng jacket, kahit na may binayaran ka nang tao para gawin yun, ano ang mararamdaman mo?


Tao rin ang mga artista. Marunong din silang magalit.




1 point(s), from: 0 voter(s)





Request: Big stars in PBB
ayen_ize
viewed 11283 times
Andi: Another Eigenmann on the rise
peparazzo
viewed 43154 times
Akihiro Sato: living the bold...
peparazzo
viewed 17216 times
Coco Martin in his first product...
peparazzo
viewed 27957 times
Robin to do a movie with...
RRL
viewed 16165 times
John Lloyd fans crowd SM...
ginny_g
viewed 7007 times
From "In a relationship" to...
peparazzo
viewed 68761 times
Who made the best Sinosikat...
peparazzo
viewed 4095 times
Lalabas na si Babaeng Tuod!
peparazzo
viewed 8977 times
Full House Main Cast: Completed
phoenomonica
viewed 34520 times
Angel Locsin distributes relief...
tamburiki
viewed 10661 times
Silang mga Heroes at "Heroes"
kapamsalldway
viewed 18334 times

Job Zamora, taking after dad
patrickstarfish
viewed 4255 times

Sarah Geronimo halos mapahiya...
tamburiki
65 points
Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
100 points
Dyesebel ni Marian Rivera...
mariandevotee11
100 points