Impressed na impressed tayo sa mga magagarang costume and period drama na Asianovelas (Koreanovelas, Chinovelas, etc.), naisip ko tuloy, bakit di naman ang mga Pinoy ang gumawa ng sariling costume-period drama.
Kung tutuusin, ang dami nating puwedeng pagkuhanan ng materyal dahil ang dami naman nating mga bayani na may madadramang buhay. Tulad na lang ni Andres Bonifacio na puno ng pakikibaka at drama ang buhay, o ni Jose Rizal na may magagandang love story bukod sa pagiging pambansang bayani.
Kung magagara't sobrang lumang costumes naman ang gusto ng manonood, gastusan at i-research nang husto ang istorya naman ni Lapu-Lapu, ang sinasabing unang bayaning Pilipino.
Magandang gawan ng telenovela ang buhay ni Lapu-lapu dahil puwede itong gawing semi-fictional dahil sa di masyadong sapat na impormasyon tungkol sa kanya. Gayunpaman, kung gagastusan nang husto, madadala ng magagarang costumes ang istorya at siyempre, magandang storyline din sana.
Post comments here.