PEParazzi - Philippine Entertainment Portal

PEParazzi
Feb 12, 2012
All Access  
Username:   Password:
| Register
Paano nga ba talaga dapat kantahin ang "Lupang Hinirang"
peparazzo
Mar 16, 2010
viewed 2964 times

Wow...check this out!

It's one of the "Pride of the Philippines," Arnel Pineda, singing the Philippine National Anthem "Lupang Hinirang."

Check out Lito Camo's reaction nung bumirit na si Arnel sa bandang end ng ating Pambansang Awit. He-he-he...obvious si Lito...

Okey na sana, e. Pero kailangan ba talagang biritan yung ending ng kanta? Kailangan ba talagang lagyan ng "signature Arnel Pineda pitch"?

Okey, sige... Lahat na lang ng kumanta ng Pambansang Awit sa laban ni Pacquiao ay mali at sabit para sa NHI (National Historical Institute), pero alam na nga nila na sensitive yung mga taga-NHI kung paano kakantahin yung "Lupang Hinirang," kelangan pa talagang ibahin yung tono at tempo?

Ang kulet.

Tsek awt nyo rin yung mamang mataba na na katabi ni Arnel na ginawang uniform at ang National Flag ng Pinas. Tsk! Hindi niya siguro nabasa yung nasa Philippine Constitution, Republic Act 8491 or "Flag and Heraldic Code of the Philippines" (I. Prohibited Acts, Section 34, paragraph e): "To wear the Flag in whole, or in part as a costume or uniform."

Tsk, tsk... di bale. Kayang-kaya naman nilang bayaran yung penalty na 5,000 to 20,000 pesos. Mani lang yun sa posse ni Manny.

HOW "LUPANG HINIRANG" SHOULD BE SUNG. Ayon sa "Flag and Heraldic Code of the Philippines" or Republic Act 8491, Section 37: "The rendition of the National Anthem, whether played or sung, shall be in accordance with the musical arrangement and composition of Julian Felipe."

Si Julian Felipe, para sa mga di nakikinig sa Philippine History teachers nila diyan nung araw, ang kinomisyon ni Gen. Emilio Aguinaldo na gumawa ng himnong pang-martsa para sa pagdedeklara niya ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Kastila. Kumbaga, sabi nga ng historian na si Ambet Ocampo, "Incidental music" lang ang pinagmulan ng National Anthem ng Pinas.

Matapos kasi ipapatay ni Agui ang Ama ng Katipunan at presidente ng fan club ni Jose Rizal na si Andres Bonifacio, dinekleyr na ni Agui na siya ang presidente ng unang Republika ng Pilipinas. Hah! Way to go Agui, am sure, proud na proud ang descendants mo sa iyo!

So, yun na nga, mga katuteng, pang-martsa ang gustong tempo ni Aguinaldo, at siyang ginawa naman ni Julian Felipe. Pinamagatan ni Felipe na "Marcha Filipina Magdalo" ang composition niya, na isang araw bago ang aktuwal na deklarasyon ni Agui sa Kawit, Cavite, ay ni-retitle niyang "Marcha Nacional Filipina."

Nung tinutugtog ni Felipe ang martsa kay Aguinaldo, piano ang gamit niya. Pinarinig at pinakabisado nila ang 2/4 na areglo sa pride of Malabon na San Francisco de Malabon marching band. Ang time signature na 2/4 ang tempo para sa isang mabilis na martsa, dahil ang gusto ni Aguinaldo ay ang mood o pakiramdam na nagdiriwang ang lahat at buong pagmamalaki na nakamit na ng mga Pilipino ang kalayaan.

Nung tinugtog na ng San Francisco de Malabon marching band ang "Marcha Nacional Filipina" nung June 12, 1898, wala pa itong lyrics. Tugtog lang. A year and two months later pa nila in-adapt yung tula ni Jose Palma na Filipinas bilang official lyrics ng "Marcha Nacional Filipina."

Noong 1920s, sa utos na rin ng U.S. Colonial Government ng Pilipinas noon (1935 naging Commonwealth Government U.S. of A. ang Pinas), ginawang 4/4 ang time signature ng kanta, gumawa ng English at Tagalog versions, at itinaas ng walong keys ang tono mula sa key of C ay naging key of G. Ginawa ang mga pagbabagong ito, para naman daw makahabol sa pagkanta ang mga tao. Kakahingal nga naman ang kumanta ng may tempong pang-martsa, no!

Mula sa Espanyol na lyrics ni Jose Palma, isinalin sa English ni Paz Marquez Benitez at binigyan din ng ibang English version ni Camilo Osias at Mary A. Lane ang awit.

Unti-unting nagkaroon ito ng Tagalog versions nung 1940s nung Japanese Occupation. Pero May 26, 1956, nang officially ay naging "Lupang Hinirang" na talaga ang "Marcha Nacional Filipina" mula sa utos na rin ni President Ramon Magsaysay ang pagbabago. Ang version ni Felipe Padilla de Leon ang ginamit na official lyrics ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Nagkaroon lang ng minor revisions nung 1960s pero sa Republic Act 8491 o The Flag and Heraldic Code of the Philippines (na ginawa nung 1998), ang Tagalog version lang ang officially recognized by law at di ang English at Spanish versions.

PENALTIES. Ayon sa R.A. 8491, Section 50: "Any person or juridical entity which violates any of the provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than Five thousand pesos (P5,000) nor more than Twenty thousand pesos (P20,000), or by imprisonment for not more than one (1) year, or both such fine and imprisonment, at the discretion of the court: Provided, That for any second and additional offenses, both fine and imprisonment shall always be imposed: Provided, further, That in case the violation is committed by a juridical person, its President or Chief Executive Officer thereof shall be liable."

Kung gayon, kung susundin ang sinasabi sa batas ng Konstitusyon ng Pilipinas, andami na palang dapat na nagbabayad ng P5,000 to P20,000 o naikulong na ng more than one year.

Sabi kasi sa batas, ang dapat na version na tutugtugin o kakantahin ay yung version ni Julian Felipe—Yung "Marcha version."

May narinig ba kayong kumanta ng "Lupang Hinirang" na mabilis ang version at pa-martsa?

Kaya... Ipakulong at pagmultahin ang lahat ng mga nagsikantahan na yan! Hah (as if!)!


TRIBUTE TO FPJ.

May mga nagsasabi ring ang laban ni Manny kay Joshua Clottey ay mistulang tribute ni Pacman kay FPJ dahil sa ginawa nitong pag-pompyang kay Clottey (check out da pic), at sa signature "rapido punches" ni Da King na ginawa ni Pacman sa bodega ni Clottey sa ilang mga pagkakataon nung laban nila.

Way to go, Manny. Lab na lab ka na niyan ni Manay Swanie!

Post comments here.

previous (2 of 2)


1 point(s), from: 0 voter(s)





Gwendoline Ruais and Martha...
patrickstarfish
viewed 5967 times
How Mikey Bustos easily adapts...
patrickstarfish
viewed 3446 times
Tonny Boy vs. Boy Pick Up
patrickstarfish
viewed 5848 times
Find out how Enchong Dee still...
patrickstarfish
viewed 12883 times
Eugene Domingo plays dual role...
patrickstarfish
viewed 2263 times
So how about this other cover..?
tamburiki
viewed 4526 times
Half-Pinoy crosses X Factor...
peparazzo
viewed 5145 times
The Pampanga mall shooting incident
peparazzo
viewed 5682 times
Who's the bro with the better 'fro?
patrickstarfish
viewed 1528 times
Job Zamora, taking after dad
patrickstarfish
viewed 4254 times
After two years, kumusta na,...
peparazzo
viewed 11930 times
geting to know each...
kaysen_j
viewed 1658 times

Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
viewed 15287 times
Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
viewed 7523 times
Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
viewed 3321 times
Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
viewed 1607 times
Paano nga ba talaga dapat...
peparazzo
viewed 9849 times
How does President Pacquiao...
vanwilder
viewed 7159 times
Job Zamora, taking after dad
patrickstarfish
viewed 4254 times

Dyesebel ni Marian Rivera...
mariandevotee11
100 points
Sarah Geronimo halos mapahiya...
tamburiki
65 points
Pinoy costume telenovelas naman
peparazzo
100 points