Anne Curtis screams and cries at her album launching
video uploaded by peparazzo on 09/24/2011 @ 02:07AM STATS: 34510 Views | 0 Comments

Sa wakas, nai-launch na rin ang pinapangarap ni Anne Curtis na album.

 

Ani Anne, 14 years na siyang talent sa Viva Entertainment, Inc., at talagang hiniling niya sa management na magkaroon naman siya ng album.

 

"It's a dream come true!" sabi pa ni Anne tungkol sa kanyang album.

 

Sa launching nga ng album niyang Annebisyosa, todo sa birit si Anne habang panay naman ang pag-cheer at pagpalakpak ng mga fans niya na halos pumuno sa Activity Center ng Glorietta 4 kagabi, September 23.

 

After her launching, nagpaunlak ng mabilis na mabilis na interview si Anne at sinabi nito na kahit na katuwaan lang ang paggawa nila ng album, hindi naman biro ang effort na ibinigay nila sa paggawa nito. Ang The Company member pa na si Annie Quintos ang siyang naging coach niya habang ginagawa niya ang album.

 

Hindi naman nag-iilusyon si Anne na magaling siyang singer. Katuparan lang talaga ng pangarap niyang magkaroon ng music album ang pagkakagawa nila ng Annebisyosa.

 

"Listen at your own risk!" biro pa nga ni Anne.

 

Pero gayunpaman, para sa napakaraming fans ni Anne na nagsipuntahan sa launching niya, walang pagsidlan din sila ng saya kagaya ng idolo nila na finally ay may album na.

 

Sa video, napaluhod at napaiyak pa sa sobrang tuwa si Anne pagkatapos niyang kantahin ang anthem niyang "Alone" ng American rock band na Heart.

 

video taken by Rommel R. Llanes

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.