Sa press conference ng bagong pelikula ni Sarah Geronimo at Gerald Anderson na I Won't Last A Day Without You, tinanong ang singer-actress kung sa tingin ba niya ay papasa si Gerald sa kanyang ina na si Mommy Divine--na naroon din sa presscon na iyon.
Sabi nga ng nagtanong na reporter, transparent masyado si Sarah kung ano ang nararamdaman niya, at nung mga sandaling iyon, kitang-kita nga ang pagiging awkward ng pakiramdam ng Pop Princess bago sagutin ang tanong sa kanya.
Panay ang tingin ni Sarah sa ina na naroon at napasabi pang, "Pa'no ba 'to?" bago sumagot.
Panoorin ang video para mapanood ang pagsagot ni Sarah at ang kundisyon niya sa lalaking iibigin niyang muli.
CLICK HERE to read related story.
video taken by Nherz Almo
Twitter: @nherzjane





NEXT