Biniro ni ABS-CBN showbiz news correspondent Mario Dumaual kung nagiging "Budoy" ba minsan si Gerald Anderson.
Sa Budoy kasi ay papel ng isang taong may special needs o may sakit na Angelman's Syndrome ang ginagampanan ni Gerald.
Agad na umamin ang aktor na "'Budoy naman talaga ako, e."
Pangangatuwiran at paglilinaw ni Gerald, "I'm a child inside. I'm a boy.
"So, alam mo yun, yung nakikita n'yo kay Budoy, talagang...ako rin. Ganun din talaga ako, e.
"Kaya naging natural din para sa akin."
Nagsalita rin si Gerald tungkol sa paggaya sa kanya ni Jose sa isang basketball event, (CLICK HERE to watch the video clip) tungkol kina Kim Chiu at Xian Lim, at sa totoong estado nila ng Budoy leading lady niya na si Jessy Mendiola.
Si Gerald ang bagong endorser ng Jollibee Burger Steak.
Ginanap ang paglo-launch kay Gerald kaninang tanghalian, January 10, sa Jollibee store sa 3rd level ng SM Megamall Bldg. A.
video taken by Rommel R. Llanes
Twitter: @rommel_llanes





NEXT
