Last Saturday, May 12 (Sunday, May 13 sa atin), isang bonggang homecoming ang ibinigay ng buong San Diego, California, para sa American Idol Season 11 Final 3 na si Jessica Sanchez.
Una muna'y sa hometown niyang Chula Vista pumunta si Jessica kung saan winelcome at pinanood siya ng mahigit sa 6,000 fans sa mini-concert niya sa Eastlake Middle School.
Pagkatapos nito ay dumiretso naman siya sa downtown San Diego kunsaan located ang USS Midway Museum, isang U.S. aircraft carrier na ginawang maritime museum.
Dito, bukod sa isa pa uling mini-concert, ay kinantahan niya ang kanyang amang si U.S. Navy officer Gilbert Sanchez na ide-deploy na sa Singapore ngayong buwan.
Ipapalabas sa May 16 airing ng American Idol Season 11 sa U.S. (May 17 sa atin) ang coverage ng homecoming ni Jessica.
video uploaded in YouTube by AFTBMusic




NEXT
0




