After 33 years, ano pa nga ba ang kulang sa Eat... Bulaga!?
Nagsidatingan at nawala na kasi ang mga tumapat at humamon sa show na pinasikat ng trio'ng Tito, Vic & Joey (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon), pero nanatiling matatag ang show, dumami ang barkada (na mas kilala na ngayon bilang "Dabarkads"), at ngayon nga'y nagkaroon pa ng version sa Indonesia.
Kahapon ay ang first airing ng Eat Bulaga! Indonesia sa Indonesian TV network na Surya Citra Televisi (SCTV) bandang alas-4 ng hapon.
Kagaya ng Philippine version, meron din silang games at segment na kinaaliwan na nang husto ng mga Pilipino. Tulad ng "Bulagaan" (Bolagaan), Karaoke Games, "Juan For All All For Juan" (Satu Untuk Semua, Semua Untuk Satu), ang tinaguriang "Pambansang Laro ng Bayan" na "Pinoy Henyo" (Indonesia Pintar).
Nakakatuwa rin na kung may Bossing Vic Sotto tayo, meron ding Boss Uya Kuya sila. At kung merong Dabarkads ang mga Pinoy hosts ng Eat... Bulaga!, meron namang "Bulagang" ang Eat Bulaga! Indonesia.
Heto ang sample ng version nila ng "Pinoy Henyo," ang "Indonesia Pintar."




NEXT
0





