Dinagsa ng fans at mga kaibigan ni Sarah Geronimo ang unang gabi ng concert niyang 24/SG sa Smart-Araneta Coliseum nung July 7, Sabado.
Hindi matigil sa kakatili ang fans sa bawat production numbers at awitin ng Popstar Princess.
Pero ang pinakatinilihan na parte ng concert na yun nang gabing iyon ay nang bumaba ng stage si Sarah habang nasa kalagitnaan siya ng Stephen Bishop hit song na "It Might Be You."
Nagpasalamat nang personal si Sarah sa kanyang fans at sa ilang kaibigang nasa audience, at sa isang espesyal na manonood na naroon--si Gerald Anderson, ang binatang aktor na napapabalitang nanliligaw (kung hindi man may espesyal na unawaan o mag-M.U. na ang dalawa) kay Sarah.
Punung-puno ng tilihan at sigawan ang buong Big Dome dahil sa nakakakilig na eksena. Sinamahan pa ni Gege si Sarah sa paglalakad sa gitna ng audience para batiin ang iba pa niyang mga kaibigan na nanood ng concert.
Pero pampasira lang ng kilig para sa Ashrald fans ang paghahanap ni Sarah sa kanyang You Changed My Life at A Very Special Love leading man na si John Lloyd Cruz. May nakapagsabi kasi sa kanyang naroon din daw sa audience si Lloydie.
Bago bumalik sa stage--habang kasama si Gerald--nagpasalamat pa si Sarah kay Lloydie sa pagpunta nito sa concert, kahit na hindi niya ito nakita sa audience.
CLICK HERE to read related story.
video uploaded in YouTube by romelo08




NEXT
0





