Sarah Geronimo almost gets burned by firework after missing a stairstep onstage

video uploaded by peparazzo
07/23/2012 @ 04:12PM   |  19152 views

Maraming fans ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo ang kinabahan, nang dalawang beses siyang maaksidente sa stage ng nakaraan niyang birthday concert na 24/SG sa Smart-Araneta Coliseum nung nakaraang Sabado, July 21.

 

Kinakanta ni Sarah ang "And I Am Telling You (I'm Not Going)" ni Jennifer Holliday at bumababa sa hagdan sa stage nang bigla siyang napaluhod sa isa niyang tuhod.

 

Hindi kasi siya nakatapak sa huling step o baytang ng hagdan. Dali-dali namang tumayo nang diretso at naglakad si Sarah habang parang balewala na patuloy sa pagkanta ng 1982 hit ni Holliday mula sa Broadway musical na Dreamgirls.

 

Hindi pa roon natapos ang aksidente kay Sarah. Dahil ilang lakad lang mula sa lugar kunsaan siya napaluhod ay wala naman sa loob niyang natapatan ang isang pyrotechnic na naka-set up sa stage.

 

Nang sandaling kailangan nang paputukin ang pyrotechnic ay pumutok iyon sa tapat mismo ng mukha ni Sarah. Makikita pa ang pagsunod ng usok sa mga buhok ni Sarah habang papalayo siya sa pinagputukan.

 

Himala namang walang sunog o sugat man lang si Sarah matapos na maputukan.

 

Nagawa pang magpatawa ni Sarah matapos ng dalawang aksidente.

 

"Yan ang mga disadvantages ng magandang set. Merong pyro at merong mataas na hagdan...

 

"Thank you, Lord. Makakapag-celebrate pa 'ko ng 25th, ay 24th birthday ko," biro ni Sarah.

 

CLICK HERE to read related story.

 

video uploaded in YouTube by ishSGvideos

Uploaded by tamburiki on 06/17/2013
Views: 35767
Uploaded by peparazzo on 06/17/2013
Views: 25866
Uploaded by peparazzo on 06/15/2013
Views: 9823
Uploaded by patrickstarfish on 06/13/2013
Views: 9746
John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo meme goes viral
by ndtuazon
04/17/2013
viewed 16583 times
Sarah Geronimo and Kim Chiu in an "unexpected" moment
by peparazzo
02/25/2013
viewed 30476 times