May bagong web show, ang DJ-TV host na si KC Montero, titled The Tree House.
At para tulungan siyang i-promote ang show, nag-guest pa sa nakakatawang YouTube promotional video niya ang babaeng "inspirasyon" raw niya ngayon na si Rhian Ramos.
Kasalukuyang pino-promote na ng iba pang mga kaibigan ni KC ang video na ito sa pamamagitan ng paglalagay nito sa kanilang Twitter accounts. Isa sa mga naunang nag-post ang dating Kapuso star na si Iza Calzado.
Sa simula pa lang ng video, animo isang aktor sa American infomercials si KC na ipinapakilala pa ang sarili sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga pelikula kung saan siya lumabas at ang pagiging MTV VJ niya dati. Binanggit pa niya si Justin Bieber at ang kapatid niyang si Troy Montero (na lumabas din sa video na ito sa ending).
Pagkatapos ay ipinakita naman ni KC ang broadcast booth na gagamitin niya sa web show at ipinakilala ang kanyang "international writer" from Tacloban na si Alvin.
Meron pang nakakatawang shower scene sina KC at Alvin habang pinaplano nila ang gagawin sa web show.
Bago ang last scene ay ipinakita na si Rhian na nagtu-tweet gamit ang cellphone habang katabi si KC.
Sa ending naman ng video, matapos na magpaalam ni KC sa viewers at sa kanyang kapatid na si Troy at kaibigang si Miko Palanca, nag-"attempt" pang hahalikan ni KC si Rhian sa lips nang aktong bebeso sana ito sa binata.
Sa mga interview nina Rhian at KC, pareho silang umaamin na "inspirasyon" nila ang isa't isa. Kahit na hindi naman nila inaamin na magkasintahan na sila, "exclusively dating" lang ang gustong itawag nina Rhian at KC sa namamagitan sa kanila.
video uploaded in YouTube by TreehousePH




NEXT
0




