Hindi pa rin lumilipas ang "Call Me Maybe" fever!
Heto nga't ang pinaka-latest ay ang version ng U.S. Olympic Swimming Team. Pampaalis-"Olympic pressure," kumbaga, ng star swimmers ng U.S., tulad nina 8-time Beijing Olympics gold medalist Michael Phelps at world record holder Ryan Lochte.
Unang in-upload ang video sa YouTube ng USA Swimming Org.
Marami nang nagsunuran na i-download at ire-uploade uli ang video sa video sharing site.
Sobrang sikat na sikat na talaga ang single na ito ng Canadian singer na si Carly Rae Jepsen. Ang official video nga ng "Call Me Maybe" ay meron nang 170 million plus views sa YouTube at patuloy pang lumalaki ang bilang.
Marami na rin ang gumawa ng sari-sarili nilang versions ng "Call Me Maybe" lip-synch videos, at puro sikat pa nga ang ibang nagsigawa, tulad nina Justin Bieber, Selena Gomez, at mga kaibigan nito at ang pop star ding si Katy Perry.
Gumawa rin ng versions ang mga artista naman natin dito na sina Kim Chiu, Maja Salvador at Xian Lim (CLICK HERE to watch video), pati na rin sina Georgina Wilson, Solenn Heussaff at mga kaibigan nila. (CLICK HERE to watch video)
Sa U.S. Billboard Hot 100 Charts naman, sinira ng "Call Me Maybe" ang record ng "Born This Way" ni Lady Gaga. Nanatili sa number 1 spot ang "Call Me Maybe" for seven weeks. Dinaig ang "Born This Way" na nanatili lang sa number one spot ng anim na linggo.
Dahil dito, nag-issue pa ng playful warning si Lady Gaga sa kanyang Twitter account kay Carly Rae:
@carlyraejepson I SEE you just swooped in and broke my BORN THIS WAY record of the most weeks at #1. DONT GET COMFORTABLE IM COMING FOR YOU
— Lady Gaga (@ladygaga) July 25, 2012




NEXT


