Naging special treat para sa mga atletang fans ng character ni Rowan Atkinson na si Mr. Bean, at pati na rin ng mga nanonood ng live worldwide broadcast ng London 2012 Olympics Opening Ceremony, ang pag-appear ni Mr. Bean mismo roon.
This time, miyembro ng London Symphony Orchestra si Mr. Bean at nakapuwesto bilang electronic organ player. Bored na bored si Mr. Bean dahil isang note lang naman ang ipe-play niya sa buong pagtugtog ng Chariots of Fire theme.
As usual, naging katawa-tawa ang mga kabalbalang ginawa ni Bean sa orchestra at meron pa siyang dream sequence na nandaya siya sa race na sinalihan niya. Mula sa mismong 1981 movie na Chariots of Fire ang pinaggayahan ng eksenang ito--minus si Mr. Bean at ang pandaraya, siyempre.
CLICK HERE to read related story.




NEXT




