Nag-guest sa Sarah G Live! ang parents ni Sarah Geronimo na sina Mommy Divine at Mr. Delfin Geronimo kagabi, July 29.
Nagse-celebrate kasi ng 24th birthday ni Sarah sa show at sina Mommy Divine at Daddy Delfin ang pinaka-special guest niya nang gabing iyon.
Sa parteng iyon ng programa kung saan lumabas na sina Mommy Divine at Daddy Delfin, ang komedyanteng si Ai-Ai de las Alas ang naging host na muna sa naging question and answer portion ng mga Geronimo kay Ai-Ai at sa live audience ng show, na karamihan ay puro miyembro ng fans clubs ni Sarah.
Highlight ng tanungan portion na iyon ang pagtatanong ni Ai-Ai tungkol sa usap-usapang pagtigil na ni Gerald Anderson ng panliligaw kay Sarah.
Pagkatapos na magbiro na baka bugbugin siya ni Mommy Divine sa itatanong niya, tinanong na ni Ai-Ai kung totoo bang si Mommy Divine ang nagpatigil ng panliligaw kay Gerald.
Nung umpisa'y sinabi pa ni Mommy Divine na tsismis lang iyon. Sa katunayan pa nga raw ay sila pa ni Daddy Delfin ang nagsabi kay Gerald na umakyat nang pormal na panliligaw sa bahay nila.
Pero maya-maya pa'y tila kinumpirma na nga ni Mommy Divine na tumigil na nga si Gerald ng panliligaw nang sabihin nito na: "Ewan ko kung dapat sabihin...pero mukhang, hindi yata ano...kung hindi mapagtiyagaan yung gano'n at mapayagan ang gano'n, wala akong magagawa ro'n."
Habang nagsasalita si Mommy Divine ay pinipigilan naman ni Sarah na magpatuloy pa ito sa pagsasalita. Sinalo na lang ni Sarah ang ina.
"Sa totoo po talaga, hindi po mommy ko ang nagpatigil kay Gerald na manligaw talaga...so, wala. Hindi si Mommy," sabi ni Sarah.
Biro naman ni Ai-Ai, "Hindi si Mommy, kundi ako! Ako na lang kasi ako ang nag-question!"
Clip is from Sarah G Live!, an ABS-CBN show aired every Sunday night. Hosted by Sarah Geronimo and co-host Luis Manzano.
CLICK HERE to read related story.




NEXT
0




