Hindi na napigilan ni Sarah Geronimo ang mapaluha habang kumakanta silang tatlo ng kanyang amang si Delfin Geronimo at inang si Mommy Divine Geronimo.
Kuha ang clip na ito sa ABS-CBN show ni Sarah na Sarah G Live!, aired every Sunday evening. Special guest para sa birthday celebration ng Popstar Princess sa show ang kanyang ama't ina.
Nagkaroon muna ng question and answer portion sina Sarah, Mommy Divine, at Daddy Delfin sa special host nang gabing iyon na si Ai-Ai de las Alas at mga miyembro ng audience na karamihan ay members ng fans clubs ni Sarah.
(CLICK HERE to watch video clip of the interview)
Pero bago sila kumanta ng "You've Got A Friend" ni James Taylor, nagpalitan muna ng mga mensahe ang tatlo.
Daddy Delfin: "Sana makatapos ka pa ng pag-aaral mo, and good health, and God bless, anak. I love you, mahal na mahal ka namin. Kami, ako bilang ama mo, bilang kaibigan, bilang tagahanga mo, at hindi magsasawang sumuporta sa iyo. Mahal na mahal ka namin, anak... Love you."
Mommy Divine: "Natatandaan mo yung pinag-usapan natin sa C.R., na, 'Mommy, sorry,' sabi mo sa 'kin. Ang sabi ko, 'Anak, kahit na anong mangyari, magtampo man kayo, magalit kayo minsan sa 'kin, pero magiging firm ako sa stand ko kung ano ang tama para sa inyo.
"Lagi kong ilalaban iyon para maprotektahan ko ang kapakanan ninyo at hindi kayo mapahamak, at mabigyan kayo ng magandang kinabukasan. Maipagmalaki kayo ng kahit na sino san man kayo magpunta, sino man ang masuwerte para sa iyo, maging masuwerte rin sa iyo dahil pinag-ingatan ka namin, di ba?
"So, lagi mong, anak, tatandaan iyon, kahit anong mangyari, mga kapatid mo, nandiyan lagi, nagmamalasakit sa iyo, mag-intindihan lang, pasensiyahan, ha."
Sarah: "Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil buo tayo, mommy. At nandidiyan po kayo para gabayan ako at ibangon ako pag nagkakamali ako. Minamahal pa rin ako kahit nagkakamali ako.
"Patawad po dahil hindi po ako perpekto pong anak, pero gagawin ko po ang makakaya ko para patuloy po kayong mahalin at sundin sa mga aral po ninyo na ibinibigay sa akin dahil alam ko po na kayo po ang nakakaalam ng kung ano ang nakakabuti para sa akin. So, mahal na mahal ko po kayo at maraming-maraming salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal."
Pagkatapos ng mensahe ni Sarah, nagsalita si Mommy Divine ng, "Darating din iyon, anak. Wag kang mag-alala, ibibigay ni Lord 'yon."
Sinagot naman ito ni Sarah ng, "Hindi naman ako nagmamadali, 'ma, e. Muntik lang!"
Pagkasabi niyon ay napatawa na si Sarah sabay yakap sa ina.
Nang mag-focus ang camera sa mukha ni Sarah ay kitang-kita ang pagluha nito sa balikat ni Mommy Divine.
Niyaya niya pagkatapos ang ina at ama, "Mama, kakanta tayo."
CLICK HERE to read related story.




NEXT
0






