Dinala ni Marvin Agustin ang kanyang mga anak na sina Santiago at Sebastian at pati na rin ina ng mga ito sa isang 5-day Disney Cruise sa Bahamas.
Ang 5-day Disney Cruise to Bahamas ay nagkakahalaga ng mahigit $650 per head. Magsisimula ang cruise sa take-off point sa Port Canaveral, Miami, Florida, papasyal sa Nassau Islands at bibisitahin din ang Disney private island na Castaway Cay.
Biniro ng mga kausap na press si Marvin na sa pocket presson nito na ginanap sa pag-aari niyang Sumo Sam Japanese restaurant sa Gateway Mall, Araneta Center, Quezon City nung July 27, na baka masundan na ang kambal na anak niya dahil nagkasama uli sila ng ina ng mga ito, na dati niyang girlfriend.
Malabo raw dahil friends na lang talaga sila ng ina ng kanyang mga anak. Nung magkahiwalay sila'y nagkaroon sila ng agreement.
"That’s what we promised with each other for the kids. Hindi na nga natin nabigyan ng perpektong… or yung set na the usual, huwag na nating pahirapan pa ang buhay nila," sabi raw ni Marvin sa ex-girlfriend.




NEXT





