Sabi ni Robin Padilla, malabong maging pulitiko siya.
Aminado siyang may problema siya sa kanyang temper. Madali raw siyang magalit.
Mabuti na lamang at nagma-martial arts siya. Sa pamamagitan ng martial arts ay natututo si Binoe na makokontrol ang kanyang temper.
Si Robin ay nagmu-Muay Thai, at bihasa rin sa iba't ibang uri ng martial arts tulad ng arnis-kali, at Indian martial art na Kalari-Payat.
Aniya, kung magpupulitiko siya, baka hindi niya mapigilan ang sarili kung makakarinig ng hindi maganda mula sa isa pang kapwa pulitiko. Baka raw magkagulo at malagay pa siya sa Amazing Videos.
Ang Amazing Videos ay isang U.S. show na nagpapalabas ng mga kakaiba o "wild" na home videos.
Interview from Robin Padilla's presscon for 555 Tuna held at the Annabel's Restaurant last June 27.
video taken by Rommel R. Llanes
@rommel_llanes




NEXT
0




