Nung late 1970s, sumikat sa Japan ang naisalin sa wikang Hapon na version ng "Anak," ang 1977 Metropop Song Festival song ni Freddie Aguilar.
Naisalin sa 25 iba't ibang salita pa ang klasikong ito ni Ka Freddie, at nung 2010, pinasikat na naman sa Japan ng J-Pop singer na si Nakazawa Yuko.
Pero nitong taong ito, ang Japanese band naman na Uchusentai NOIZ ang nag-cover ng isa pang Filipino original song.
Kaya lang, ang da hayt ng pag-cover nila, wala nang transle-translation. Kung Tagalog yung kanta, kesehodang nagkandabulol ang mga Ponjap sa pagkanta, basta Tagalog din nilang kinanta ang "Narda" ng Pinoy rock band na Kamikazee.
Ang Uchusentai NOIZ ay isang eccletic Jap-Rock band na mas anime-cosplay kesa rock band. Iba't iba ang influences ng banda pero more on loud, fast, aggressive rock ang dating ng music nila.
Eto ang sample, pakinggan nyo.
video uploaded in YouTube by CCCjph




NEXT
0




