YES! MAGAZINE

SUBSCRIBE

Britney Spears learns 'Gangnam Style' dance directly from Psy


Talagang sikat na sikat na ang Korean rapper na si Psy. Dahil sa kanyang kantang 'Gangnam Style.'

Pati international celebrities, nag-tweet pa tungkol sa kanya, tulad nina Josh Groban, Ricky Martin, Simon Pegg, at Britney Spears.

Sabi nga ni Britney sa Twitter niya:

Kaya sa guest appearance niya recently sa Ellen, tinupad ng host na si Ellen DeGeneres ang wish niya nang i-guest din sa show si Psy at on-the-spot na tinuruan si Britney at Ellen ng kanyang 'Gangnam Style' dance moves.

Naka-heels si Britney at gusto pa sana ni Ellen na ipahubad ito, kaya lang kinontra siya ni Psy.

'No this is fine, because mindset of this dance is 'Dress classy and dance cheesy...'' sabi ni Psy.

Kaya go lang sa pag-learn ng steps sina Britney at Ellen from Psy at maya-maya pa'y nagga-'Gangnam Style' na silang tatlo.

video uploaded in YouTube by TheEllenShow

RELATED VIDEOS


COMMENTS

Loading comments

LATEST




SOCIAL STREAM





THIS JUST IN