Another "random singer" gets the attention of netizens
video uploaded by tamburiki on 09/20/2012 @ 06:45PM STATS: 20385 Views | 0 Comments

Isa na namang "random singer" ang kumuha ng atensyon  ng netizens nang ma-post sa YouTube ang video clip ng pagkanta niya sa isang lugar sa Valencia City, Bukidon.

 

Siya si Ruel Manlangit, isang batang naglalaro lang sa kalye at nakatihang sumali sa singing contest ng isang electronics brand.

 

Ayon sa Sony Philippines Facebook page, nanalo sa singing contest ng promotion nila na Sony On Wheels si Ruel sa lugar na iyon. At matapos ng panalo niya, isinama na siya ng nabanggit na electronics company sa iba pa nilang Sony On Wheels o Sony Caravan events bilang pang-front act.

 

Sa video na ito, kahit ang galing-galing na bumirit ni Ruel ng "I Will Always Love You" ni Whitney Houston, parang hindi impressed ang mga tao sa paligid nila, particularly ang lalaki (?) na naka-pink, na tila nabo-bore pa sa naririnig niya. Antaray!

 

Sabi ng mga ibang nag-comment sa video, kaya raw parang "wala lang..." yung reaksyon ng mga taong nasa paligid ni Ruel ay dahil "normal" na lang sa mga taga-roon ang boses na katulad niya. As in ang dami nilang ganun kaganda ang boses sa lugar nila! Pak!

 

Haveeey!!!

 

video uploaded in YouTube by migui2k

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.