Star Magic artists spoof Star Cinema hit movies
video uploaded by tamburiki on 05/28/2013 @ 07:01PM STATS: 7178 Views | 1 Comments

Celebrating Star Magic's 21st anniversary on ASAP 18 last Sunday, ipinalabas ang spoof ni Star Magic boss and director Johnny Manahan ng mga pumatok sa takilyang Star Cinema movies.

Starring sa mga spoof na ito ay ang Star Magic prime talents na tulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Diether Ocampo, Angelica Panganiban, and Gerald Anderson.

Kasama rin ang Star Magic comedians na sina Pokwang, Chokoleit, John Lapus, at Ryan Bang bilang pamalit sa mga kapareha ng mga nabanggit na Kapamilya stars.

Naroon din ang kababalik lang na Star Magic talent na si Alex Gonzaga, ang bumalik na ring si Carlo Aquino, ang Annaliza star na si Andrea Brilliantes, at ang Cofradia lead na si Julia Barretto.

Interesting na ang pinagganap bilang si Claudine sa Anak spoof ay ang pamangkin nitong si Julia.

Sinasabing nag-ugat kasi ang pinakahuli at pinaka-latest na iringan sa pagitan ng mga Barretto (Claudine, Mommy Inday, Gretchen, Marjorie) dahil sa sagutan sa Instagram na sangkot si Julia.

Related: PEP SPECIAL REPORT PART 1. Inday Barretto extols Claudine and forsakes Gretchen

May mga usap-usapan at paghihinala kasing may kuneksyon diumano kay Claudine ang mga komentong binara nina Gretchen at Marjorie sa Instagram.

Interesting din ang mga nag-introduce ng collection ng spoofs ni Mr. M.

Nasa iisang frame kasi sina Diether Ocampo, John Lloyd Cruz, at Angelica Panganiban, kasama sina Piolo Pacual at Bea Alonzo na nakapagitan kina Diether at John Lloyd.

Matatandaang may usap-usapan na nagkaroon ng "hamunan" at "tensiyon" sa set ng Apoy Sa Dagat kamakailan, dahil sa diumano'y pagkakabato ni Diether ng flower vase sa girlfriend ni John Lloyd na si Angelica.

Related: Angelica Panganiban clarifies John Lloyd Cruz-Diether Ocampo "confrontation" on the set of Apoy Sa Dagat; allegedly snubs Angel Locsin.

Show/Hide Comments

1 Comment

  • arundel

    05/28/2013 | 09:18 PM
    aprub!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0