"Just Give Me A Reason" Bisaya version goes viral
video uploaded by tamburiki on 07/05/2013 @ 08:41PM STATS: 17917 Views | 0 Comments

Pasa-pasahan ngayong sa social networking sites ang "Just Give Me A Reason Bisaya version" ng isang lalaking nagngangalang Vic Desucatan.

Nung July 3, Wednesday niya in-upload ang video ng Visayan version niya ng kanta ni Pink at ni Nate Ruess sa YouTube.

Ngayong araw, July 5, meron na itong mahigit 114,000 views. Samantalang sa kanya namang Facebook page, meron nang 13,214 shares, as of today, ang video niyang ito.

Nakaka-38 videos na sa YouTube si Vic, at halos karamihan ay Visayan version niya ng mga popular songs.

Meron din naman siyang mga videos ng original songs niya at Tagalog version ng iba pang sikat na kanta, pero mas mararami nga ang Visayan versions.

Meron siyang Bisaya ng "Love The Way You Lie" nina Eminem at Rihanna, "Too Much Love Will Kill You" ni Brian May, at pati na rin Visayan version ng "Gwiyomi."

 

video uploaded on YouTube by vic desucatan

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.