Galit na galit ulit si Rosanna Roces sa mga Revilla. Ipinahiwatig niya ito sa kanyang dalawang Facebook accounts, isang Rosanna Roces at ang real name niyang Jennifer Cruz Adriano.
Nag-post pa siya ng larawan ng apo niyang si Gabriel o Budoy (photo withheld) sa baba ng pinost rin niyang report galing sa website ng ABS-CBN. Naka-dirty finger o nakataas ang middle finger ng bata sa photo.
Ang report ay tungkol kay Jolo Revilla na nagsasabing maganda ang relasyon niya sa anak ni Rosanna na si Grace, na siyang ina rin ng kanyang anak na si Budoy, at pati na rin kay Osang.
Nilagyan pa ni Osang ng title na, "Total Bullshit, will answer it in a while!" ang nasabing article.
Ani Osang, puro kasinungalingan daw ang mga report na inilalabas tungkol sa Revillas na itinatago diumano mula sa kanya ang kanyang apo na si Budoy.
Naghahanda na raw ng demand letter si Osang sa tulong ng kanyang lawyer.
Post comments here.