Itinanggi ng manager ni Robin Padilla na si Betchay Vidanes na lumipat na ng studio o TV network si Robin.
Ani Ms. Betchay, movie lang ang gagawin nila ni Robin sa ABS-CBN through its movie outfit Star Cinema at hindi TV project.
Walang title ang pelikulang gagawin ni Binoe sa Star Cinema, pero ang makakatambal niya ay ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga.
Sinabi rin ni Ms. Betchay na dalawang jacket ni Robin ang ibibigay ni Robin sa Shop And Share project ni Angel Locsin.
Sa ngayon, puro TV commercials at endorsements muna ang hinaharap ni Binoe, bukod sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy na pinatuloy pa niya sa kanyang eskuwelahan sa Fairview.
Sa November 27 na rin daw ang start ng shooting nina Binoe at Toni.
Post comments here.